Tuesday, October 23, 2007

Random Encounters : The Four-Letter Word of Doom Episode Two

Its raining outside.  Kung dati masaya ako kapag umuulan.  Ngayon hati ang nararamdaman ko sa hilagyo ng bawat patak.  Maybe because can’t afford to get sick right now.  Maliban sa trabaho ko sa opisina, currently I’m committed to several sidelines.  No rest for the wicked sabi nga ng iba.  Huli ko yatang naramdaman ito few months ago noong kaigtingan ng finalization ng project namin (na eventually na-halt for the meantime) at noong thesis days sa College.  Nakakamiss din pala ang school.  Hay…

Just browsing my blog and I’m quite amazed about the overwhelming response on my latest post about the four-letter word of doom.  Hindi ko inaasahan na may papatol pa ng post na iyon.  Nakakatuwa ang mga sagot nila sa riddle ko.  One riddle but a number of answers.  Kung tutuusin, madali lang naman sagutin ‘yun.  

Ewan ko ba.  Ganoon na ba kagulo ang mundo at hindi na naiisip ng tao ang magmahal.  Sa mga kaganapan nitong mga nakaraang araw, laganap ang mga kaguluhan.  Like what happened in Makati.  Sino mag-aakala na bobombahin ang isang mall sa Makati na kilala naman sa mataas na seguridad.  Kung sabagay, we don’t really know what will happen.  Parang mga magnanakaw na dumarating ang trahedya.  Walang notice.  Hindi ko rin Makita kung ano pa ang natitira sa konsensya ng mga taong nagpakana nito.  Labing-isa ang patay at marami ang nasugatan.  Obviously wala sila nung four-letter word.

Ano ang four-letter of word?  Alam ng lahat ‘yun.  Sa mga naging kasagutan ng mga nakabasa sa aking blog, isa lamang malaking patunay na most of us are afraid.  Yes.  Takot tayo sa salitang ito.  Kaya kahit pagbanggit lang sa salitang ito ay hindi natin magawa.  

Huwag naman magsaya iyong mga taong nagbanggit sa salitang ito.  Its not enough na lumabas sa mga labi natin ang salitang ito.  What’s important is if we can live by it.  Ibuhay ang totoong kahulugan ng pagmamahal.

All of us experienced failures and broken promises.  We can’t blame ourselves if we feel bad about that.  Hindi na natin mamamalayan na sasabihin na lang natin sa sarili natin na “Ayaw ko na”.  

After you let go of that feeling, all that is left to you is an empty and cold heart.  Iyon ang unti-unting sisira sa pagkatao mo.  

I’m just glad that I found the four-letter of word again.  I don't care if I’ll get hurt in the end.  What matters most is right now, my heart is happy.  And besides, Everything in life is only for now.

“The Greatest thing you’ll ever learn is to Love and be Loved in Return” – Christian, Moulin Rouge.

photo by kelsohhh@deviantART


7 comments:

  1. Gagana pa rin sa context ng sinulat mo ang four-letter word of doom na LBOG. Pansinin mo.

    ReplyDelete
  2. whew.. nabasa ko ulet ang quote na yan... christian and satine...

    ReplyDelete
  3. di namang halatang fav ko yang quote na yan. hahahaha.

    ReplyDelete
  4. Well, that's awesome that you're livin' the word! Some, even if they want to, just simply cannot maximize practicing it. Lots of factors, nagiging complicated.

    ReplyDelete
  5. yeah, know what you mean. Complicated nga.

    ReplyDelete