Random Encounters : One Lazy Thursday ng isang Empleyado
Waaaahhh!!! Nakakatamad. Bukod sa bakasyon mode pa rin ang atmosphere, puyat pa ako kasi gabi na naman ako nakatulog. Medyo gloomy pa ang panahon dahil sa ulan. Lalo tuloy nakakatamad. Pero naisip ko rin. Parang gusto ko ng totoong bakasyon. Actually nabanggit ko na ito noon. I want a place na malayo sa sinilisasyon. Nature tripping. Sariwang hangin at sikat ng araw na sa halip na nakakapaso ay nagdudulot ng init na nagpapaginhawa sa bored ko na pag-iisip. Pag bored, niyaya ko si Pao na lumabas. Nung hapon si Ann naman nagyaya. Late na naman kumain dahil sa sobrang daming ginagawa. Workaholic talaga itong babaeng 'to. Well, she wouldn't be called the employee of the year kung hindi siya ganyan kasipag. Pero delikado yun sa kanya, lalo na at sakitin pa siya. Pero ayaw paawat. Ginagawang vitamins ang trabaho.
After work, manonood sana ako ng movie. Pero tinamad ako dahil sa sobrang haba ng pila. Sa halip dumiretso na ako sa terminal para umuwi. Pero malas. Napilitan pa akong lumipat ng Terminal dahil sa sobrang, over, mega habang pila sa megamall terminal. Mahaba rin ang pila sa Edsa Central pero marami rin namang fx kaya mabilis din akong nakasakay. Pagkaabot ng bayad, wala na wasted na ako. Paggising ko nasa Angono na ako.
Nakakapagod pero heto nasa harap pa rin ako ng computer at nagsusulat ng blog. Pagkatapos nito kakain ako dinner at pagkatapos baka manood pa ako ng isang movie bago matulog.
Jori signing out.
photo by ghost28@deviantART
No comments:
Post a Comment