Thursday, January 24, 2008

Random Encounters : Insomnia Madness and A Week Without Blogging

1:46am and I'm still awake considering I still need to get up early to attend church at 5:00am.  Sa opisina nanaman ako bubulagta nito.  Natapos ko nang basahin ang Heroes Volume 1 at inumpisahan ko na ring basahinang Stainless Longganisa ni Bob Ong.  Pero di pa rin ako matulog.  Wala pa namang magandang palabas sa Cable.  After hours of trying to lay myself to slumber heto awa ng Diyos, gising pa rin ako.

Kaya binuksan ko ulit ang laptop ko.  Nagsurf muna ako.  Una sa listahan ko Igoogle, dito kasi ako nagchecheck ng updates from other blogs.  Kaysa isa-isahin ko mga pages nila, here I can preview their blogs without opening the site.  Now if the article is interesting, that is time I will view the whole entry.  After that, walang kamatayang Facebook.  Pero nitong nakaraang mga Linggo yung Heroes app na lang ang nilalaro ko.  Tapos, karaniwan ang dinadagdag kong app ay yung makaktulong sa pagpromote ng iba kong page like my deviantART portfolio, my entertainment blog and my personal blog.

After that I dropped by Christine Gambito's page To those who don't know Christine, she is none other than HappySlip, the Youtube Celeb.  Being so popular because of her self produced videos, Christine is invited by the Department of Tourism to visit Philippines.  Mga Pilipino kasi ang magulang ni Christine pero sa states na siya lumaki.  Actually she just arrived yesterday.  Excited akong mameet siya, yay!!!

Yung Photo nga pala sa itaas.  Its a photo of my new room.  Yes, I inherited  the master's bedroom.  Ang linis 'no.  Well, di ko pa kasi naiiaakyat yung ibang gamit ko but  I'm confident to announce that I'm officially moved out of  my old  room  at nandito na nga ako  sa itaas.

  

Hay naku , disaster yung first day na paglilipat ko.  Ako lang ang nagbuhat, akyat panaog.  Ang bigat ng mga comics at magazines ko.  Kung ipapakilo ko siguro yan, kikita ako ng malaki.  Tapos wala pa sa kalahati yan.  May mga gamit pa ako sa baba.  At ang mga damit ko ay hindi ko pa inaakyat dito.  Kaya pag aalis ako, doon ako nagbibihis sa baba. 

At kung napansin ninyo medyo lumaki yung intervals ng blog submissions ko.  Ngayon ko lang napansin.  Tapos pag umuuwi ako sa bahay, para lang matulog.  Tapos gising ulit maaga para pumasok sa opisina.  Isa lang ibig sabihin nun, sobrang busy ko na pala ngayon.  Now I know why Ann and Cheekie hardly touched their blogsites.  Busy buddy talaga itong dalawang working girls na ito.  Ngayon nararamdaman ko na.


Ni hindi ko pa nauupload yung ilang mga photos na nakuha ko.  Like noong umalis sila Mama papuntang Qatar, Get Together ng RDC at yung birthday ni Meng.

Hay, maraming naipon na kaisipan sa loob lamang ng ilang araw na pagkabakante sa blog.  It really helps when you write everything you feel.  Nakakaalis ng stress.

Ayan, inaantok na ako.  Ang nakakainis nga lang, 4:00am gigising na ako.  Buset.  Bahala na.  Makatulog na at isa na namang busy na araw mamaya. 

4 comments:

  1. jori mag uplaoad kana! para tayong mag uutol ni migs sa photo na ito, siempre ako yun mas bata! hahahaha!

    ReplyDelete
  2. nyahahaha, dyan ako nahirapan. Sobrang bigat.

    ReplyDelete