Tuesday, January 15, 2008

Random Encounters : Lol, Ganito ba Maging Haligi ng Tahanan

Or should I say Ilaw ng tahanan.  Mula nang umalis si mom kasama ang sis ko papauntang Qatar, nag-uumpisa nang maging kalbaryo ang buhay ko.  Pagbabudget ng pera, pagbabayad sa mga monthly due, pakikisama sa katulong at pag-intindi sa isang lolang maramdamin.  I'm feeling that my age is rapidly increasing every second of my life now.  Ngayon, tumawag ako sa bahay, nagsusumbong ang lola ko tungkol sa katulong.  Kahit sa tingin ko di naman big deal yung isinusumbong, di ko pa rin maiwasang mastress sa kakaisip.  Tuloy, after nun, nakailang tawag ako sa bahay para lang macheck sila.  Baka mamaya nagsasabunutan na ang lola at katulong namin. 

Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!  Gusto kong sumigaw para lang pakawalan ang stress, pero ayaw kong bigla na lang magtakbuhan mga kaopisina ko at akalaing may sunog.  Syet, kulang lang yata ako sa inom.

photo by TheSeaMonkey

19 comments:

  1. hahaha.. natawa ako sa reaction mo. nakakatuwa... kaya mo yan! ganun din ako.. both parents wala.. may little bro pakong teenager, buti mabait.. ^_^

    ReplyDelete
  2. try mo...kuha ka ng baso
    tapos put your mouth there.
    then scream!

    it works pre! lalo na pag nasa office ka hehehehe.

    no joke ha

    ReplyDelete
  3. Jori! hahaha. Chillax ka lang. Shet naalala ko nung nasa pinas ako parang ganyan din! hehe. Basta okay yan. Growing up and reality bites time! GoodLuck!

    ReplyDelete
  4. naku, pareho pala tayo. Kaso medyo pasaway ang lil bro ko. Gaano kapilyo. Clue: Tingin ko mauunang mag-asawa sa akin yun.

    ReplyDelete
  5. sana lang di mabasag yung baso. Pero try ko hahaha. Inform kita pag effective sa akin.

    ReplyDelete
  6. Oi, Pangan. Miss you tsong. Kailan ka bababalik dito. Hahaha. Grabe. Salamat sa advice, pre.

    ReplyDelete
  7. para di mabasag.. hanap ka lang ng coleman na biggie tumbler :)

    ReplyDelete
  8. Nanay talaga. Kuya, sorry, nashare ko kina papa. :|

    ReplyDelete
  9. K lang. Kaya lang si Tito naman at nanay ang nag-away. Hay. Ayoko na lang mag-isip dahil stressed na ako sa opisina. Reba favor lang, I need all the emotional support you can give. Masisiraan ako ng bait!!!

    ReplyDelete
  10. Magpakalasing ka na lang ulet para pag-uwi mo i-bimpo ka ulit ni Lola matapos sumuka :)) Hahahahahaha

    ReplyDelete
  11. oh well, buti na lang yung bunso namin sumusunod sa ken. kase pag hindi at inaway nya ko, di ko sya bibigyan ng baon, di din ako magluluto, magugutom sya~ mwahaha! Joke~ *rofl* Yung budget namin... what budget?! Haha! Basta pag naubos ok lang, pinagwi-withdraw lang ako, basta nakalista sa excel lahat ng gastos. Di naman ako nangungupit, wahehe. Tahimik buhay namin nun; pampagulo lang yung panganay. XD Hingin mo na lang budget list na ginagamit ng mama mo dati para mas madali. XD

    ReplyDelete
  12. actually meron nga. Kaya lang notebook lang. Hitec ka naman. Naka-excel pa. ^_^

    ReplyDelete
  13. Jori, lagot ka sa lola mo...nabasa niya ata 'tong blog mo tinawag mo siyang maramdamin...Hehehe! Anukaba! Okay lang 'yan kesa naman wala kang responsibilidad. Mas kabog 'yun!

    ReplyDelete
  14. eh kasi tamd akong mag-compute para alam ko na agad kung magkano na lang natitira at kung magkano na nagastos ko saka if ever gusto nila tingnan yung list, email ko lang agad (which never they never requested actually, haha). XD

    ReplyDelete
  15. Pwede ka namang sumigaw Bro...basta ang sisigaw mo lang ay...."DARNA".....hahahahahaha malamang titingin lang sila sayo...talagang ganyan ang buhay....sige sigaw ng sigaw para maka alis ng stress.

    ReplyDelete
  16. Pwede ka namang sumigaw Bro...basta ang sisigaw mo lang ay...."DARNA".....hahahahahaha malamang titingin lang sila sayo...talagang ganyan ang buhay....sige sigaw ng sigaw para ma alis ang stress.

    ReplyDelete