Friday, June 1, 2007

Random Thoughts : Pagsulat ng Iyong Tadhana

Katatapos ko lang magsulat ng isang book review.  Kung tutuusin bakit ko nga ba ginagawa yun?  Wala lang.  Siguro gusto ko lang malaman kung naintindihan ko ba talaga yung nabasa ko.  Hay, siguro bored lang din ako.  Mula pagkabata ko nagdrodrawing na ako.  Kaya madalas nauubusan na rin ako ng inspirasyon sa pagguhit.

Kaya ngayon, mas naipapahayag ko ang saloobin ko sa pagsusulat.  Iyong naiiisip ko isinusulat ko.  Dati hindi ko ito ginagawa.  Ngunit habang tumatanda ang tao, nagiging makalilimutin na tayo.  Mahalaga sa akin ang alaala.  Kaya karamihan ng mga pangyayari sa aking buhay ay isinusulat ko na.

Marami sa atin ang may masamang alaala.  Mga alaalang gusto nating kalimutan.  Ngunit tanggapin natin ang katotohanan na hindi ito mangyayari.  Ang lahat ng ating alaala ay patuloy na magiging bahagi ng ating buhay, nakasulsi sa bawat hibla ng ating pagkatao.

Karapatan nating itangis ang mga sakit na naranasan natin.  Binigyan tayo ng luha para mailabas ang dalamhati sa ating dibdib.  Ngunit binigyan din tayo ng tapang para manatiling matibay sa kabila ng mga pagsubok na iyon.

Kaya ngayon taas noo kong sasabihing handa na ako sa isa na namang araw bukas.  Araw na magdidikta ng ating tadhana.  Patuloy na magniningning sa kalangitan.

Hay...matutulog na ba ako.  May libro pa pala.  Makapagbasa nga muna.

Photograph by minisucette @ DeviantART

1 comment: