Nakarating na ako sa medyo mapunong lugar. Kaya napalitan na ang polusyon ng sariwang hangin. Bahagya na akong nakaramdam ng ginhawa. Kaso kamo, inantok naman ako. Naku delikado 'to. Pero di nyo naitatanong. May agimat ako diyan. Kahit inaantok ako, hindi ako naaaksidente. Ewan ko ba. Pero minsan, gising na gising ako pero dun pa ako nadidisgrasya.
Nandito na ako sa bahay. Nasa harap ng computer. Nagsusulat ng blog entry. Napapansin ko nga, masyado nang nagiging habit. Wala nang bago. Pag weekends naman ayoko nang nagdro-drawing. Araw-araw ko na kasing ginagawa sa office yun. Madali talaga akong magsawa lalo na't lagi kong ginagawa. Yung mga libro ko naman, halos nabasa ko na lahat. Medyo short pa ako para makabili ng bago. Kung manonood naman ako ng movie, gusto ko hindi ako pagod. Mas gusto ko kasi na naabsorb ko nang maigi yung pinapanood ko.
Hay, mukhang matutulog na nga lang ulit ako.
Photo by Bosniak @ DeviantART
No comments:
Post a Comment