Kanina isang kaibigan ang nakausap ko sa YM. Tinatanong niya ako kung pupunta ako ng Bulacan para sadespedida ng isa sa mga tinuturing kong pangalawang tatay. Hinbdi ko inaasahan na bukas na ang alis niya. Wala akong pamasahe. Marami akong trabaho sa opisina. Paano ako pupunta sa Bulacan? Nainis ako at the same time nalulungkot. A very important person will leave the country at mawawala siya ng dalawang taon. Ipinaliwanag sa akin ng kaibigan ko na sinadya niyang huwag sabihin ang kanyang flight dahil ayaw niyang ihatid namin siya.
Tumigil ang mundo ko sa loob ng opisina.
Mahigit sa ilang linggo na rin ang nakakaraan nang umalis ang dad ko. Ngayon naman ang isang taong itinuring ko ring ama ay aalis nang hindi man lang nagpapaalam. In just few weeks, isa ring kaibigan ang aalis at pupunta sa states. It seems all people that are important to me are leaving.
Sino kaya susunod sa kanila?
Patapos na Heroes. Inaantok na ako.
No comments:
Post a Comment