Tuesday, July 3, 2007

Friday Night After Six : Passing by Route 196

Isang araw na naman ang natapos.  Well, kung tutuusin walang pasok kanina.  Wala lang, trip lang siguro ng office na papasukin kami.  Pumasok na rin ako.  Bukod sa may dagdag sa suweldo may libre pang lunch.  Tinapos ko rin yung isa ko pang sideline kanina.  Kaya nakakapagod din.  Pagkatapos ng araw, nanood ulit kami ng friend ko ng sine.  Tama gastos na naman.  Tapos I'm keep on complaining pag kinapos na ako ng pera.  Gulo ko rin ano?  Pagkatapos ng palabas umuwi na ako at heto na nga nasa harap na naman ako ng computer writing my blog.

Isa na namang episode ng Friday Night After Six.


Episode 3 : Passing by Route 196

Badtrip ako nung Friday dahil delayed na naman ang suweldo.  Kasalanan ko rin naman at sinaid ko ang pera ko.  Sapat na lang ang pera para panggasolina ng motor.  I signed out na sa office at pinindot ko na ang elevator.  I get annoyed kasi ang tagal dumating ng elevator.  Naabutan tuloy ako ng mga friends ko.  As usual, Friday Night gimik.  Niyaya nila ako.  Gusto kong sumama pero talagang wala na akong pera.  To end my problem, one of my friends offered to lend me money.  Sino ba naman ako para tumanggi.  Party time!!!

It was 3 of us on the car, chatting while on the way to our destination.  Habang nasa biyahe napagtripan naming ilagay sa hot sit ang friend namin na nagdra-drive.  Well he got an interesting story and very inspiring too.

We arrived at the destination.  Route 196.  Maaga pa kaya di pa masyadong matao.  Nakakuha agad kami ng magandang puwesto.  Tulad ng dati kuwentuhan, kantiyawan, asaran.   Hanggang sa magkayayaan na tumira ng Tequilla.  That is the go signal.  The number of people starts to multiply.  Ang kaninang maluwag na place ay naging masikip.  Nag-umpisang mag-ayos ang unang band.  

Unti-unting nagkabuhay ang loob ng bar nang mag-umpisa nang tumugtog The Dawn.   Di na nakatiis ang dalawa kong friend na nagmistulang mga groupies.  Well, I also don't want to be left behind kaya nakisayaw na rin ako and its really fun, nakakapagod nga lang.  I enjoyed the music played and the bands present namely Space flower show, Chillitees, The Ronnies, Juan Pablo Dream and another band that I forgot the name really draws the crowd's energy out of them... literally.

When we get tired we go back to our table to have a drink.  May mga dumating pang mga friends na sumunod mula sa kani-kanilang lakad.  Another shot of Tequilla completely raised my body's temperature. Mabilis na lumipas ang oras.  Hindi namin namamalayan na 3:00 na ng umaga.  We decided to call it a night dahil pagod na rin ang karamihan sa amin at may amats na.

Hahahaha.

Tigas din ng ulo ko.  Lampas alas-dose na gising pa ako.  Gigising pa ako nang maaga.  Trabaho na naman.

No comments:

Post a Comment