Magulo ngayon ang mundo at ang bawat isa ay praning sa mga nangyayari sa ating bansa. Sa politika nga lang ay halos magpatayan na ang mga politiko. Ang pagkauhaw sa kapangyarihan at pangalan na nagtutulak sa kanila para magbago ng anyo. Bagamat nakikita natin ang mga maaamong mukha, sa likod noon ay mga ganid na lobo na siyang lumalapa sa bumabagsak na moralidad ng ating inang bayan. Ako nga, wala akong kahilig hilig sa politika. Kapag nanonood ako ng TV, showbiz lang hinihintay ko. Hinihintay ang latest kina Marian Rivera, Katrina Halili at Francine Prieto. Pero kapag usapang politika na, wala akong makita sa tv screen kundi mga dinosaur na sabay sabay na nag-uungulan. Mala-jurassic park ba.
Wala diyan ang pag-ibig for sure.
So nasaan nga ang pag-ibig? Kung tutuusin, di naman mahirap hanpin ang Pag-ibig. Sabi nga nila. Masyado tayong malayong tumingin kaya madalas, iyong nasa malapit, hindi na natin matanaw.
Noon, wala tayong hinangad kundi ang makaalis sa poder ng mga magulang natin. Kaya gumagawa tayo ng paraan para magkaroon tayo ng pagkakataon na makaalis sa kanilang pangangalaga. Pero kapag nandoon na tayo sa sitwasyon na wala na sila, saka natin nararamdaman ang pagkalungkot sa kanilang pagkawala. Puwede rin nating i-apply yan sa ating mga kasintahan. Kapag nandiyan sila, nagloloko tayo. Naghahanap pa tayo ng iba. Oo, aminin mo, naghahanap at tumitingin ka pa rin sa iba. At totoo ito sa lalake at babae. Minsan nga prone pang magloko si babae kaysa kay lalake. Masarap kasi ang bawal. At the fact na nadiyan lang ang mga kasintahan natin kaya malakas ang loob natin para magloko. Pero pag nakipag-break na, saka natin malalaman na mahal pala natin sila.
Diyan makikita ang Pag-ibig, sa Pamilya, sa Sinisinta, sa mga Kaibigan.
Te amo, je t'aime, ich liebe Dich, aishte imasu, I love you, iniibig kita. Just take a while. Sabihin sa kanila kung gaano mo sila kamahal. Hindi kailangang may kasamang mamahaling tsokolate, bulaklak o teddy bear. Ngiti, Oras at Yakap ay sapat nang regalo para ipadama kung ano ang gustong sabihin ng iyong puso.
Alam kong huli na ito para sa araw ng mga puso. Ngunit may tamang panahon nga ba para magmahal?
Wala.
No comments:
Post a Comment