Ngayon-ngayon lang, kinausap kaming magkakapatid ng aming Papa. Tulad ng dati, sermon na naman. Sa akin, isyu siyempre ng trabaho. Hindi ko maitatago, na naiinis na naman ako sa mga sermon. Pero nagbago ang nararamdaman ko nang nagpaalam na siya. Itutuloy pala niya ang pag-alis ulit papuntang ibang bansa. This time diretsong isang taon siyang mawawala.
Hindi ko alam. Madalas kaming magkasagutan ngayon ni dad. Kadalasan, pagtatalo tungkol sa bagay-bagay. Pero nang malaman kong aalis siya at mawawala nang isang taon, di ko mapigil na hindi malungkot. Actually, wala naman akong kailangan sa kanya. Kaya ko nang mag-isa. Pero gusto ko na nandiyan lang siya. Pinipigilan ko lang tumulo luha ko. Para namang di ko kaya. Matindi pa dito napagdaanan ko.
Kung alam lang niya.
I really Love my Dad. Hindi man kami open sa family pagdating sa feelings. Alam kong alam niya na mahal ko siya.
Isang Linggo na lang magkakahiwalay na naman kami.
awwww....
ReplyDeletelol, malaki pa ako sa dad ko.
ReplyDelete