Wednesday, June 6, 2007

Random Thoughts: Father and Son

Nakailang pindot na ako sa remote control.  Wala pa rin akong makitang puwedeng panoorin.  Nakatunganga sa harap ng TV.  Kulang na lang ay lumabas si Sadako sa TV screen at titigan din ako hanggang sa ako ay mamutla at mamatay nang dilat ang mata.  Everyday becomes so boring.  Pare-pareho na lang ang tinatakbo ng pang-araw-araw kong gawain.  Sad to say boredom also kills my creativity.  Kaya kahit wala masyadong ginawa sa opisina, mabigat pa rin ang pakiramdam ko. 

Ngayon-ngayon lang, kinausap kaming magkakapatid ng aming Papa.  Tulad ng dati, sermon na naman.  Sa akin, isyu siyempre ng trabaho.  Hindi ko maitatago, na naiinis na naman ako sa mga sermon.  Pero nagbago ang nararamdaman ko nang nagpaalam na siya.  Itutuloy pala niya ang pag-alis ulit papuntang ibang bansa.  This time diretsong isang taon siyang mawawala.

Hindi ko alam.  Madalas kaming magkasagutan ngayon ni dad. Kadalasan, pagtatalo tungkol sa bagay-bagay.  Pero nang malaman kong aalis siya at mawawala nang isang taon, di ko mapigil na hindi malungkot.   Actually, wala naman akong kailangan sa kanya.  Kaya ko nang mag-isa.  Pero gusto ko na nandiyan lang siya.  Pinipigilan ko lang tumulo luha ko.  Para namang di ko kaya.  Matindi pa dito napagdaanan ko.

Kung alam lang niya.

I really Love my Dad.  Hindi man kami open sa family pagdating sa feelings.  Alam kong alam niya na mahal ko siya. 

Isang Linggo na lang magkakahiwalay na naman kami.

2 comments: